Para sa mga tao o estudyante naghahanap ng Buod ng Talumpati ni Noynoy Aquino tingnan nyo po ang nasa baba : Tandaan Buod lamang eto. Yung buo pakitingnan yung Inauguration Speech of President Noynoy Aquino na post sa site na to

Para sa pinakabagong Buod ng Sona 2013 ni Pangulong Benigno Aquino III

Buod ng Talumpati ni Noynoy Aquino

Katulad ng mga simula ng mga ibang nagtalumpati binati ni Pangulong Noynoy Aquino III and mga importanteng panauhin at ang sambayanang Pilipino na sumaksi sa panunumpa niya bilang pang labin-lamang Presidente ng Pilipinas.

Sinabi ni Pangulong Noynoy Aquino na “hindi ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating bayan.” “Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na kami ng dugo at handang gawin itong muli kung kinakailangan.”

Ilan sa mga importanteng bagay gusto gawin ni Pungulong Noynoy Aquino ay ang mga: Ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan, sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan. Sisimulan ang pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga “midnight appointments. Hindi ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng mga estudyante, kaya’t sisikapin punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan. Unti-unti din babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon, turismo at pangangalakal. Palalakasin natin ang koleksyon at pupuksain ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat.

Ipinaalala din ni Noynoy ang kanyang sinabi bago mag Halalan “Kung walang corrupt, walang mahirap.” Hindi lamang ito pang slogan o pang poster – ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng administrasyon Noynoy Aquino. Inaanyayahan din ni Pangulong Aquino na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan, WALANG MAIIWAN. Sinabi nya na ang sambayanang Pilipino ang boss nya, kaya’t hindi maaaring hindi sya makinig sa mga utos ng bayan.

Layunin din nya na sa pagbaba nya sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating ng bansa natin at sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana sa sasusunod na henerasyon. Samahan natin sya sa pagtatapos ng laban na ito. Ang mga Pilipino na sa tuwid na landas.